Ayon sa PAGASA, makararanas ng katamtaman hanggang paminsan-minsan na malalakas na pag-ulan ang Pangasinan, Zambales at Bataan dahil sa ulang dala ng hanging habagat.
Magiging maulap ang kalangitan na may kasamang mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Batanes at Babuyan Group of Islands, nalalabing bahagi ng Ilocos Region, Cordillera, Metro Manila, Cavite at Batangas at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon ay generally fair weather ang mararanasan liban na lamang sa mga ulan na dulot ng localized thunderstorms.
Maganda at maaliwalas naman ang panahon sa Visayas at Mindanao na uulanin lamang dulot ng localized thunderstorms.
Nakataas ang gale warning sa northern at western seaboards ng Northern Luzon at western seaboard ng Central Luzon.
Pinapayuhan ang mga mangingisda lalo na ang mga may maliliit na sasakyang pandagat na iwasan muna ang pagpalaot.