Go: Tanim-bala sa NAIA, pinaiimbestigahan ni Pangulong Duterte

By Rhommel Balasbas June 17, 2018 - 05:28 AM

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad na imbestigahan ang pinakahuling insidente ng ‘tanim-bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ayon kay Special Assistant to the President Bong Go.

Noong Biyernes ay ibinulalas ng isang Kristine Bumanglag– Moran sa Facebook ang galit matapos madiskubre sa kanyang bagahe ang isang 9mm na bala.

Ayon kay Go, ipinag-utos na ng gobyerno sa Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority na imbestigahan ang naturang insidente.

Inaasahang sa loob ng 24 oras ay maisusumite ang report sa pamahalaan.

Iginiit naman ni Go na hindi na-hold ang pasahero matapos ang insidente dahil bahagi na ito ng standard operating procedure ng airport upang maiwasan ang pagkaabala ng ilan pang mga pasahero.

Samantala, pinayuhan naman ni Go ang ilan pang mga biktima na magsumbong sa mga awtoridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.