Pangulong Duterte, natanggap ang kopya ng panukalang Bangsamoro State Constitution

Ibinigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kopya ng panukalang Bangsamoro State Constitution na binalangkas ng mga Moro scholars kabilang na si dating Maguindanao Rep. Michael Mastura.

Si Mastura na miyembro rin ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) peace panel, ay ang mismong nag-abot ng kopya ng panukalang Bangsamoro Constitution kay Duterte.

Iginiit ni Mastura na dapat makapagbalangkas ng isang state constitution para sa Bangsamoro ang All-Moro Convention.

Layon ng Bangsamoro State Constitution na makapaglikha ng government structure na pasok sa isang federal constitution sa ilalim ng presidential form of government.

Read more...