Mas maraming suspek at motibo sa pagpatay kay Fr. Nilo, patuloy na inaalam ng pulisya

By Rhommel Balasbas June 17, 2018 - 05:20 AM

Patuloy na pinagtatagpi-tagpi ng pulisya ang testimonya ng mga testigo at ang CCTV footage upang malaman ang motibo sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan.

Sa panayam sa Bohol, sinabi ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde na hindi pa ikinukonsiderang naresolba na ang kaso at nasa apat hanggang limang suspek ang tinitingnan ng pulisya sa karumal-dumal na pagpatay.

Pahayag ito ng hepe ng PNP matapos ang pagkakaaresto sa isang suspek sa pamamaslang sa San Isidro, Nueva Ecija noong Huwebes.

Ayon kay Albayalde, patuloy na tinitingnan ng mga imbestigador ang tatlong motibo: ang adbokasiya ni Fr. Nilo para sa mga biktima ng rape; isyu sa lupa; at pakikipagdebate ng pari sa isang religious group.

Nais anya ng PNP na maresolba agad ang kaso sa pag-aresto sa lahat ng suspek.

Umaasa si Albayalde na marekober agad ang motorsiklong ginamit sa pamamaslang kung saan may nagmaneho rito sakay ang gunman habang may mga back-up na iba pa sakay ng iba pang motorsiklo.

Naihatid na sa huling hantungan si Fr. Richmond Nilo noong Biyernes na ikatlong pari nang napapaslang sa loob lamang ng anim na buwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.