Auditions para sa Pilipinas ng Asia’s Got Talent, magaganap na sa June 30
Muling mabibigyan ng tyansa ang mga Filipino na magpasiklab sa world stage.
Ito ay matapos ianunsyo ng AXN na bubuksan na ang auditions ng panibagong season ng Asia’s Got Talent (AGT) sa bansa sa June 30.
Magaganap ang audition sa Quezon City Experience Museum mula alas-10:00 ng umaga.
Ang isang araw na audition ay bahagi ng regional audition tour na kinabibilangan din ng Bangkok, Singapore, Ho Chi Minh, Kuala Lumpur at Jakarta.
Lahat ng sasalang sa audition ay inaasahang mag preapply online sa oamamagitan ng AXNAsia.com/AsiasGotTalent.
Aabot sa $100,000 ang papremyo ng AGT sa susunod na edisyon ng kompetisyon.
Kamakailan ipinahayag ni Sony Pictures Television Networks, Asia Production Vice President Derek Wong ang paghanga sa Filipino talents sa AGT kung saan kanyang iginiit na tatlong Pinoy Acts ang nakapasok sa grand finals sa huling edisyon ng talent show.
Dalawang Pinoy ang nakapasok sa top three sa huling season na kinabibilangan ng DMX Comvalenoz at ni Neil Rey Gracia Llanes.
Ang El Gamma Penumbra naman na kilala sa kanilang shadow-play performances ang itinanghal na grand winner ng season one ng talent-reality show.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.