Dating Sec. Roilo Golez nailibing na

By Den Macaranas June 16, 2018 - 05:01 PM

Naihatid na si dating National Security Adviser Roilo Golez sa kaniyang huling hantungan sa Heritage Park, Taguig City.

Nagsama-sama ang kaniyang mga kamag-anak at kaibigan sa idinaos na misa, Sabado ng umaga.

Buhos ang emosyon ng kaniyang iniwan na asawang si Natty at anak na sina Parañaque City Vice Mayor Rico Golez at Guada sa isinagawang seremonya.

Sa eulogy, ibinahagi ni Vice Mayor Rico ang isa sa mga itinuro sa kaniya ng namayapang ama.

Aniya, sinabi ng nakatatandang Golez na pagdating sa bayan, mayroong madali at mahirap na desisyon.

Ngunit ang dapat laging piliin ang tamang desisyon na makakabuti sa bayan.

Samantala, matatandaang nagsilbi rin bilang kongresista ng Parañaque si Roilo mula 1992 hanggang 2013.

Pumanaw si Golez sa bunsod ng cardiac arrest edad na 71-anyos noong June 11.

TAGS: cogressman, heritage, national security adviser, Roilo Golez, cogressman, heritage, national security adviser, Roilo Golez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.