Nararanasang pag-ulan sa Luzon bahagyang hihina ayon sa PAGASA
Inalis na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Bataan.
Sa 1:45 PM advisory ng weather bureau, ibinaba na ang rainfall warning dahil humina na hanggang sa katamtam ang pag-ulan
Pero kanilang iniulat na hahatakin pa rin ng sama ng panahon ang hanging habagat na magdudulot pa rin ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
Gayunman, asahan pa rin anila ang mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay may malakas na buhos ng ulan sa Batangas, Cavite at Zambales sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Patuloy naman ang paalala ng PAGASA sa publiko at Disaster Risk Reduction and Management Offices sa pagmamatyag sa lagay ng panahon.
Sa kasalukuyan ay lubog sa tubig-baha ang ilang mga barangay sa lalawigan ng Bataan dahil sa patuloy nap ag-ulan.
Nilinaw naman ng PAGASA na wala nang epekto saan mang panig ng bansa ang bagyong Ester na may international name na Gaemi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.