Meralco pinataob ang Blackwater sa PBA Commissioner’s Cup

Patuloy ang miserableng kapalaran ng Blackwater sa PBA Commissioner’s Cup matapos tambakan ng Meralco sa iskor na 102-75 sa kanilang laban kahapon sa Mall of Asia Arena.

Ito na ang ikatlong sunud-sunod na pagkapanalo ng Bolts para mapaganda ang rekord sa 6-2 at masiguro ang pwesto sa quarterfinals habang nagpapatuloy ang hindi magandang kapalaran ng Elite sa kanilang 1-9 card.

Masaya si Meralco Bolts head coach Norman Black sa panalo ng kanyang koponan laban sa Elite dahil sa paglimita nito sa Blackwater sa unang tatlong bahagi ng laro habang itinataas pa ang bentahe sa laban.

Nakapagtala ng 17 points at 17 rebound, si Arize Onuako para pangunahan ang Bolts na sinundan ni Caram sa kanyang 13 points.

Nanguna naman para sa Elite si Henry Walker sa kanyang 14 points at 13 rebounds.

Read more...