Yellow rainfall warning, itinaas na sa tatlong lalawigan

11721238_992055964139085_1152307982_nItinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Yellow rainfall warning sa mga probinsya ng Tarlac, Nueva Ecija, at Zambales.

Anumang lugar na isinailalim sa yellow warning advisory ay maaaring makaranas ng pagbaha dulot ng tinatayang dalawang galon ng tubig kada square meter ang bumubuhos kada oras.

Samantala, inaasahang makakaranas pa rin ng mahina hanggang katamtamang ulan sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras ang Metro Manila, Bulacan, Bataan at Pampanga.

Apektado pa rin ng thunderstorm ang ilang bahagi ng Laguna, Cavite, Batangas, Rizal at Quezon na maaaring magtagal sa loob ng dalawang oras.

Read more...