Yellow rainfall warning, itinaas na sa tatlong lalawigan
Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Yellow rainfall warning sa mga probinsya ng Tarlac, Nueva Ecija, at Zambales.
Anumang lugar na isinailalim sa yellow warning advisory ay maaaring makaranas ng pagbaha dulot ng tinatayang dalawang galon ng tubig kada square meter ang bumubuhos kada oras.
Samantala, inaasahang makakaranas pa rin ng mahina hanggang katamtamang ulan sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras ang Metro Manila, Bulacan, Bataan at Pampanga.
Apektado pa rin ng thunderstorm ang ilang bahagi ng Laguna, Cavite, Batangas, Rizal at Quezon na maaaring magtagal sa loob ng dalawang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.