Kellogg binawi ang produktong Honey Smacks sa merkado sa Amerika dahil sa kontaminasyon

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 15, 2018 - 08:12 PM

Nagpatupad ng voluntary recall ang kumpanyang “Kellogg” para sa isang brand ng kanilang cereals makaraang makontamina ng salmonella ang nasa 73 katao sa 31 estado sa Amerika.

Partikular na binawi sa merkado ng “Kellogg” ang kanilang Honey Smacks cereal.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention mayorya ng outbreak ng salmonella ay naitala sa California, Massachusetts, New York at Pennsylvania.

Apektado ng recall ang 15.3-ounce packages ng Honey Smacks na mayroong UPS Code 3800039103 at 23-ounce packages na mayroong UPS Code 3800014810.

Ang nasabing mga produktong ay mayroong best before dates sa pagitan ng June 14, 2018 hanggang June 14, 2019.

Kaugnay nito pinayuhan ng CDC ang mga consumer na Honey Smacks products na nagtataglay ng nabanggit na UPS Code na itapon na lamang ang produkto at tumawag sa Kellogg para makakuha ng refund.

Ang salmonella ay nagdudulot ng lagnat, diarrhea, nausea, pagsusuka at pananakit ng tyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Honey Smacks Cereals, Kelloggs, Radyo Inquirer, Honey Smacks Cereals, Kelloggs, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.