Japan kukuha ng mas maraming dayuhang manggagawa

AFP File Photo

Kukuha ng mas marami pang dayuhang mangaggawa ang bansang Japan kasunod ng nararanasan nitong labor crunch o kakulangan sa mga trabahador.

Hindi naman idinetalye ng pamahalaan ng Japan kung gaano karaming dayuhang manggagawa ang kanilang kakailanganin, bagaman bahagi na ito ng kanilang taunang economic policy blueprint.

Nakasaad sa blueprint na mangangailangan pa ng legislation o pagsasabatas na mayroong limit na 5 taon ang mga dayuhang manggagawa at hindi nila maaring dalhin ang kanilang pamilya.

Samantala, maliban sa pagkuha ng mga dagdag na dayuhang manggagawa bahagi din ng blueprint ang pagpapatupad ng Japan ng dagdag na consumption tax.

Base sa rekomendasyon epektibo sa October 1, 2019, mula sa 8 percent ay gagawin nang 10 percent ang nationwide consumption tax sa Japan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...