15 bahay nasunog sa Zamboanga City dahil sa nag-overheat na cellphone

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 15, 2018 - 06:09 PM

Tinupok ng apoy ang labinglimang mga bahay sa Barangay Talon-talon sa Zamboanga City.

Ang sanhi ng sunog, pinaniniwalaang dahil sa nag-overheat ng charger ng cellphone.

Ayon kay Supt. Jhufel Brañanola, fire marshal ng Zamboanga City, nagsimula ang sunog alas 10:45 ng umaga ng Biyernes.

Base sa imbestigasyon, nag-overheat umano ang charger na iniwang nakasaksak lang sa loob ng bahay ng isang Lucia Duran.

Umabot sa labinglimang bahay ang natupok sa bahagi ng Little Tondo.

Wala namang nasaktan sa sunog pero tinatayang aabot sa P500,000 ang nasunog na mga ari-arian.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, overheat charger, Zamboanga City, fire incident, overheat charger, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.