Bagyong Ester lumakas pa habang papalayo ng bansa
Bahagyang lumakas ang tropical depression Ester at ang paghatak nito sa Habagat ay magpapaulan pa rin sa Luzon.
Ayon sa PAGASA hinahatak ng bagyong Ester southwest monsoon na naghahatid ng pag-ulan sa Ilocos region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales, at Bataan.
Huling namataan ang bagyo sa 275 kilometers north, northwest ng Basco, Batanes.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 60 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 100 kilometers bawat oras.
Wala namang nakataas na tropical cyclone warning signals saanmang panig ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.