Hamon na magpunta siya sa Sandy Cay, ayaw patulan ni Sec. Cayetano

Walang balak si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na patulan ang hamon ni Magdalo Partylist Rep Garry Alejano na magpunta sa Sandy Cay para patunayan na kontrolado pa rin ito ng Pilipinas.

Reaksyon ito ni Cayetano sa sinabi ni Alejano na kontrolado na ng China ang Sandy Cay mula pa noong nakaraang taon.

Katunayan aniya malayang magkakapag-patrolya ang mga tropa ng gobyerno at mangigisda sa Sandy Cay.

Nanindigan si Cayetano na uninhabited ang nasabing sanbar alinsunod sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na nilagdaan ng Pilipinas at China noong 2002.

Resbak ni Cayetano, isang kasinungalingan ang sinasabi ni Alejano tungkol sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Tinawag din nito si Alejano at iba pang kritiko ng administrasyon na sinungalin at walang ginawa kundi mag-imbento ng kuwento para ibagsak ang pamahalaan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...