Bagyong Lando, bahagyang humina

By Kathleen Betina Aenlle October 19, 2015 - 12:43 AM

pagasa oct19 1amBahagyang humina ang Bagyong Lando dahil mula sa naunang 150 kph, mayroon na lamang itong lakas na 130 kph at pagbugsong aabot sa 160 kph.

Huli itong namataan sa bisinidad ng Tinoc, Ifugao at inaasahan itong kikilos patungo sa direksyong hilaga hilagang-kanluran nang may bilis lamang na 5 kph.

Samantala, nakataas pa rin ang public storm warning signal no. 3 sa Benguet, Ilocos Sur, La Union, Ilocos Norte at Abra.

Signal no. 2 naman sa Pangasinan, Zambales, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, Apayao, at Tarlac.

Habang signal no. 1 naman sa Bataan, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Northern Quezon, Quirino, Aurora, Isabela, Cagayan kabilang na ang Calayana at Babuyan group of Islands, Batanes, at Metro Manila.

TAGS: bagyong lando, bagyong lando

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.