Truck at bus nagkabanggaan sa NLEX, ilan ang nasugatan

By Jhep Ulao June 15, 2018 - 01:22 PM SHARE(S):
CREDIT: Jhep Ulao

Ilang katao ang nasugatan sa karambola ng mga sasakyan na naganap sa North Luzon Expressway.

Naganap ang aksidente sa southbound lane ng NLEX, pagka-lagpas sa Sta. Rita Exit sa Bulacan.

Ayon sa traffic control ng NLEX, ang nagkabanggaan ang pampasaherong bus na Five Star at isang 6-wheeler truck na may lulang mga bakal.

May iba pang sasakyan na nadamay din sa aksidente.

Tatlong linya sa NLEX southbound ang naokupa ng nasabing aksidente kaya nagdulot ito ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic.

Agad namang nilapatan ng lunas ang mga nasugatan sa aksidente.

Patuloy ang imbestigasyon sa kung ano ang dahilan ng banggaan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, NLEX, Sta Rita Exit, accident, NLEX, Sta Rita Exit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.