Funeral mass para kay Fr. Richmond Nilo dinaluhan ng libu-libong katao

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 15, 2018 - 12:02 PM SHARE(S):

Libo-libong parishioners ang dumalo sa funeral mass na idinaos para kay Fr. Richmond Nilo.

Nagsimula ang misa alas 10:00 ng umaga sa na pinamunuan ni Bishop Sofronio Bancud.

Dumalo rin sa Funeral Mass si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia.

Ayon kay Bishop Bancud, nagpahatid si Pope Francis ng pakikiramay sa mga naulila ni Fr. Nilo at ang mensahe ay ipinarating sa pamamagitan ng papal nuncio.

Matapos ang misa ay nagbahagi ng kani-kanilang karanasan at pagkakakilala kay Fr. Nilo ang mga natulungan ng pari.

Kabilang sa nagbahagi ang isang ama na ikinuwento kung paanong tinulungan ni Fr. Nilo ang kaniyang pamilya ng magkasakit ang kaniyang anak.

Si Fr. Nilo ay inihatid sa huling hantungan sa Cathedral Crypt ng St. Nicholas of Tolentine sa Lakewood, Cabanatuan City.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Fr Richmond Nilo, Funeral Mass, Radyo Inquirer, Fr Richmond Nilo, Funeral Mass, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.