DSWD, may sapat na relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo

By Isa Avendaño-Umali October 19, 2015 - 12:26 AM

reliefTiniyak ni Department of Social Welfare and Development Sec. Dinky Soliman na tuloy tuloy ang pamamahagi nila ng relief goods sa mga apektado ng bagyong Lando.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Soliman na aabot sa 196,000 food packs ang naihanda ng DSWD bago pa man ang pagtama ng bagyo.

Nasa 40,000 food packs naman ang ready na ring dalhin sa mga lugar na labis ang pangangailangan o matinding sinalanta ng bagyo.

Ang laman aniya ng food packs ay anim na kilong bigas, ilang de lata gaya ng sardinas, meat loaf at corned beef pati na mga kape.

Sakali namang maging ganap na bagyo ang isa pang nakaambang sama ng panahon ng PAGASA, sinabi ni Soliman na sapat ang resources ng kagawaran at maaari rin aniyang kumuha ng dagdag na budget sa calamity funds sakaling kapusin.

TAGS: bagyong lando, dswd, relief goods, bagyong lando, dswd, relief goods

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.