Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Zambales at Bataan

Nananatiling malakas at tuluy-tuloy ang nararanasang pag-ulan sa lalawigan ng Zambales at Bataan.

Base sa 11AM rainfall advisory na inilabas ng PAGASA, nakataas ang yellow warning level sa dalawang lalawigan bunsod ng pag-ulan na dulot ng habagat na pinalalakas ng bagyong Ester.

Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ng pagbaha ang mga residente sa nasabing lalawigan na nakatira sa mabababang lugar.

Samantala, malakas na buhos ng ulan naman na may kaakibat na pagkulog, pagkiadlat at malakas na hangin ang mararanasan sa Bulacan, Rizal, Laguna at Batangas sa susunod na tatlong oras.

Apektado rin ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila gaya ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Makati, Malabon, Valenzuela at Navotas; ang bayan Bacoor sa Cavite; Capas at Bamban sa Tarlac; General Tinio, Laur, Sta. Rosa, Gabaldon, Peñaranda at San Leonardo sa Nueva Ecija at ang lalawigan ng Pampanga.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 2:00 ng hapon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...