Bagyong Ester tumama sa kalupaan ng Southern Taiwan, patuloy na pinalalakas ang Habagat
Nasa loob pa rin ng Philippine Area of Responsibility ang tropical depression Ester.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 320 kilometers North Northwest taglay ang lakas ng hanging aabot sa aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 13 kilometers bawat oras sa direksyong Northeast.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, tumama sa kalupaan ng Southern Taiwan ang bagyo kaninang umaga.
Mamayang gabi ay inaasahang makalalabas na ito ng bansa.
Gayunman, ang Habagat na pinalalakas ng nasabing bagyo ay makapagpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.