DPWH may abiso sa mga motorista pa sa pagsailalim sa repair ng San Pedro Bridge sa Laguna
Pinaghahanda na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga motorista sa San Pedro, laguna sa matinding traffic bunsod ng pagsasailalim sa repair ng tulay doon.
Sa abiso ng DPWH, ang kalahati ng San Pedro Bridge ay gagamitin para sa mga heavy equipment ng repair contractor sa loob ng 30-araw, simula ngayong Biyernes ng umaga.
Ang naturang hakbang ayon sa DPWH ay makatutulong para mas mapabilis ang proyekto.
Dahil dito, mayroon nang traffic rerouting scheme na ipinatutupad sa lugar.
Ang lahat ng pribadong sasakyan galing sa Maynila at patungo ng Biñan, Laguna ay pinadadaan sa Mabini Bridge.
Magpapatupad naman ng stop-and-go traffic sa natitirang bahagi ng tulay para sa mga public vehicles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.