Pagdiriwang ng Eid’l Fitr mapayapa ayon sa MPD

By Mark Makalalad June 15, 2018 - 10:46 AM

MPD Photo

Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim ngayong araw ng Biyernes, June 15.

Ayon kay Manila Police District Director (MPD) Chief Supt. Rolando Anduyan, payapa at ang naging matagumpay ang selebrasyon ng Eid’l Fitr sa Metro Manila kung saan nasa mahigit 200 pulis ang kanilang ipinakalat para magbigay seguridad.

Wala rin silang natanggap na untoward incidents mula sa mga community precincts.

Nagkaroon naman ng Special Reaction Unit sa lugar habang mayroon ding advance command post at karagdagang traffic personnel para magmando ng trapiko.

Bago mag alas-8:00 ng umaga nang matapos ang pagtitipon sa sa Quirino Grandstand kung saan nasa 4,000 ang tantya na nakibahagi sa pagdiriwang.

Ang Eid-al-Fitr ay isang importanteng selebrasyon at pagtitipon ng mga Muslim bilang tanda ng pagtatapos ng isang buwang Ramadan na tradisyunal na inoobserbahan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Eid'l Fitr, MPD, Quirino Grandstand, Radyo Inquirer, Eid'l Fitr, MPD, Quirino Grandstand, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.