P1.75M na halaga ng shabu nasabat, 6 arestado sa Daraga, Albay
Arestado ang anim na katao sa ikinasang operassyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Albay.
Isinagawa ng PDEA ang operasyon sa isang hotel sa Daraga, Albay na nagresulta sa pagkakasabat ng P1.75 million na halaga ng shabu.
Ayon kay PDEA regional director Christian Frivaldo, ang operasyon ay resulta ng anti-illegal drugs surveillance ng PDEA. Kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sinalakay nila ang dalawang inuupahang kwarto sa NeuHaus Hotel sa Barangay Maroroy Biyernes ng madaling araw.
Nagresulta ito sa pagkakadakip kina Marlon “Bok” Fernandez, 40 anyos na high-value target sa rehiyon; Lorraine Santiago, 28 anyos at Elmer Cunthada, 37 anyos.
Sa ikalawang kwarto naman nadakip sina Josam “Third” Tabuena Jr., 55 anyos; Jan Mark “Matik” Rapisura, 32 anyos at Jomel Dela Cruz, 21 anyos.
Nasa detention facility na ng PDEA ang anim at mahaharap sa karampatang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.