Pasok sa ilang opisina ng gobyerno, kinansela na
Suspendido na ang pasok sa mga opisina ng gobyerno sa Regions I, II, III at Cordillera Administrative Region ngayong araw, October 19 dahil sa epekto ng bagyong Lando.
Sa advisory ng Malacañang, sinunod ni Executive Secretary Paquito Ochoa ang rekumendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na suspendihin ang trabaho sa government offices sa mga naturang rehiyon, na matinding tinamaan ng bagyo.
Sakop ng utos ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at CAR.
Nilinaw naman ng palasyo na ang mga tauhan ng pamahalaan na nakatalaga sa paghahatid ng mga basic at health services, maging ang mga nasa disaster and emergency response at iba pang serbisyong may kaugnayan dito ay hindi kasama sa suspensyon at kailangang mag-report sa trabaho bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.