WATCH: Libu-libo nagtipon-tipon sa Quirino Grandstand at QC Memorial Circle sa pagtatapos ng Ramadan

By Erwin Aguilon, Mark Makalalad June 15, 2018 - 08:23 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Bago pa sumikat ang araw libu-libong mga muslim na ang nasa Quirino Grandstand sa Maynila at sa Quezon City Memorial Circle para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.

Sa Maynila, alas 3:00 pa lamang ng madaling araw nang magsimulang magdatingan sa Quirino Grandstand ang mga nakiisa sa pagdarasal.

Alas 7:00 naman ng umaga nang magsimula ang kanilang congregational prayer.

Dahil maputik sa Quirino Grandstand bunsod ng ilang araw nang pag-ulan, may kani-kaniyang dalang pansapin ang mga nagtungo doon.

Bago mag alas 8:00 naman ng umaga nang matapos na ang aktibidad na sinundan ng kanilang pagsasalo-salo.

Sa Quezon City Memorial Circle maaga rin na nasidatingan ang mga lumahok sa congregational prayer.

Panalangin ng karamihan sa kanila ay makamit na ang tunay na kapayapaan sa Mindanao.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Eid'l Fitr, End of Ramadan, Quezon City Memorial Circle, Quirino Grandstand, Eid'l Fitr, End of Ramadan, Quezon City Memorial Circle, Quirino Grandstand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.