Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Zambales, Pampanga at Bataan
Nananatiling malakas at tuluy-tuloy ang nararanasang pag-ulan sa lalawigan ng Zambales, Bataan at Pampanga.
Base sa 8AM rainfall advisory na inilabas ng PAGASA, nakataas ang yellow warning level sa tatlong lalawigan bunsod ng pag-ulan na dulot ng habagat na pinalalakas ng bagyong Ester.
Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ng pagbaha ang mga residente sa nasabing lalawigan na nakatira sa mabababang lugar.
Samantala, malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna at Batangas.
Habang light hanggang moderate at minsang malakas na buhos ng ulan naman ang iiral sa Tarlac at Nueva Ecija.
Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 11:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.