Donald Trump, 3 anak inireklamo sa paggamit sa kanilang foundation sa kampanya noong 2016 presidential elections

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 15, 2018 - 07:44 AM

Sinampahan ng reklamo ng state attorney general ng New York si US President Donald Trump at tatlo niyang mga anak.

Ginamit umano nila ang kanilang nonprofit na charity foundation sa nagdaang 2016 presidential elections.

Hiniling ni Attorney General Barbara Underwood sa New York State Judge na ipag-utos ang pagbuwag sa “Donald J. Trump Foundation” at patawan ng ban si Trump at mga anak na sina Donald Jr., Eric at Ivanka sa pamumuno sa anomang charity foundation sa New York.

Ayon kay Underwood, matapos ang 21 buwang imbestigasyon ng kaniyang tanggapan, natuklasan ang “extensive unlawful political coordination” ng naturang foundation sa kampanya ni Trump.

Kabilang sa transaksyon ang ilegal na pagbabayad ng 10,000 dollars sa Unicorn Children’s Foundation para sa isang portrait ni Trump na binili sa isang fundraising auction.

Noong 2017 nagbigay din ng $100,000 para sa charity upang iayos ang legal dispute kaugnay sa flagpole na itinayo na sinasabing lumabag sa local ordinance sa Mar-a-Lago na private beach club ni Trump.

Inihain ang reklamo kasabay sa pagdiriwang ng ika-72 kaarawan ni Trump.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: charity foundation, donald trump, New York, charity foundation, donald trump, New York

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.