Mahigit 200 pamantasan nagpetisyong itaas ang tuition at iba pang school fees

Higit 200 pribadong unibersidad at kolehiyo ang humihiling sa gobyerno na payagan silang magtaas ng tuition fee at iba pang bayarin.

Sa isang press briefing kahapon, sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) officer-in-charge Prospero de Vera na idinahilan ng mga unibersidad ang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law at ang paglipat ng mga faculty members sa mga pampublikong kolehiyo at pamantasan dahil sa mas magandang pasweldo.

Sa 248 private higher education institutions (HEIs), 211 ang humihiling na payagan silang magtaas parehong sa tuition fee at iba pang school fees; 27 ang sa tuition fee lang at 10 sa iba pang mga school fees.

Gayunman, hindi pa kasali sa datos ang mga aplikasyon mula sa Region 4-A na inaasahang maipapasa pa lamang sa CHED sa susunod na linggo.

Pagdedesisyonan ng commission en banc ang request ng HEIs sa susunod na linggo.

Iginiit naman ni De Vera na ang naghain ng request para sa tuition at school fees hike na private HEIs ay maliit na porsyento lamang ng kabuuang higit 1,600 pribadong pamantasan at kolehiyo sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...