Laman ngayon ng katatawanan at pambabatikos ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) matapos magkamaling tawagin ang bansang Norway bilang ‘Norwegia’.
Sa isang post ay ibinahagi ng PCOO ang naging courtesy call sa Malacañang ni outgoing Norwegian Ambassador to the Philippines Erik Forner.
Gayunman, sa bahagi ng caption kung saan iginawad ni Pangulong Duterte ang ‘Order of Sikatuna’ ay nagkamali ang PCOO sa pagtawag sa Norway bilang Norwegia.
Madali itong napansin ng netizens at umani ng kritisimo sa social media.
Naging trendic topic sa Twitter ang salitang ‘Norwegia’ kung saan ibinulalas ng publiko ang inis sa nadagdagang online errors mula sa gobyerno tulad ng DOLE logo issue at Lei reangle na mula sa Philippine News Agency.
May netizen na nagtanong kung nasaan ang Norwegia sa world map at ang iba naman ay kwinestyon ang kontrobersiya dahil sa mas malaki na umano ang pondo para sa PCOO ngayong taon.
May ilan pang nagsabi na isasama nila ang Norwegia sa kanilang travel bucket list.
Ang Presidential Communications ay responsable sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa mga pahayag at programa ng Office of the President.