Sa kabila ng mga pambabatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika, ay bukas umano ito na makipagdayalogo sa Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP).
Ito ang iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque isang araw matapos muling pasaringan ng pangulo ang mga pari sa kanyang talumpati.
Ayon kay Roque, bukas na makipag-usap si Duterte sa CBCP lalo pa at ang presidente ng CBCP ngayon ay mula rin sa Davao.
Iginiit ng kalihim na maganda ang relasyon ng pangulo kay CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles.
Normal lang anya isang tao katulad ni Duterte na paminsan-minsan ay hindi sumang-ayon sa mga katuruan ng Simbahang Katolika dahil may sarili itong paninindigan at karapatan ito ng lahat.
Gayunman, tiniyak ni Roque na ipaprayoridad ng gobyerno ang imbestigasyon sa pagpatay sa mga pari at pananagutin sa batas ang mga salarin.
Ayon kay Roque, ang kritisismo ng pangulo sa Simbahang Katolika ay hindi nangangahulugang kanyang pagpayag sa pagpatay sa mga pari.
Matatandaang noong Linggo ay pinaslang si Fr. Richmond Nilo na ikatlong pari na pinatay sa nakalipas na anim na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.