Duterte sa KADAMAY: Lumayas kayo kung ayaw niyong mamatay

Binigyan ng ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong KADAMAY na umalis sa inagaw na pabahay para sa mga pulis at sundalo sa Rodriguez, Rizal bago mag-alas-12 ng tanghali ngayong araw.

Ayon sa pangulo, kapag nagpatuloy ang KADAMAY sa pananatili sa lugar, uutusan niya ang riot police at Special Action Force (SAF) na palayasin ang mga ito.

Kapag nagkamali aniya ang KADAMAY at gumamit ng armas at nagkamatayan ay pasensyahan na lamang.

Ang mahalaga ayon sa pangulo ay maipatupad nang ligal ang regulasyon sa bansa.

Mahirap aniya na takutin siya
kahit na sunugin pa ng militanteng grupo ang kanyang effigy sa tuwing nagsasagawa ng kilos protesta.

Kung hihingi man aniya ulit ng tulong ang militanteng grupo, sinabi ng pangulo na mahiga muna sa kalsada at iihian niya muna ang kanilang mukha bagong tulungan o hindi kaya ay humingi ng tulong sa Kuwait.

Read more...