Nababahala si Vice President Leni Robredo sa paghina ng piso kontra dolyar, na ngayon ay sumadsad na sa higit P53.
Ayon kay Robredo, kailangang masusing pag-aralan kung bakit nangyari ito.
Hindi isinasantabi ng bise presidente ang posibilidad na maraming trabaho ang maapektuhan at maaaring mahirapan ang mga ordinaryong mamamayan na maabot ang pang-araw-araw nilang pangangailangan.
Giit ni Robredo, kailangan ding maipaliwanag ng gobyerno sa mga tao ang sitwasyon, dahil mahirap na kumalat ang iba’t ibang espekulasyon.
Sa ngayon aniya kasi, may nagsasabing ang TRAIN Law ang dahilan, na itinatanggi naman ng pamahalaan.
MOST READ
LATEST STORIES