Manila Water at Maynilad, may water rate hike sa Hulyo

By Isa Avendaño-Umali June 15, 2018 - 04:47 AM

Magpapatupad ng dagdag-singil sa tubig ang Manila Water at Maynilad, epektibo sa unang araw ng Hulyo.

Sa abiso ng MWSS para sa mga consumer ng Manila Water, magkakaroon ng taas-singil na 99 centavos per cubic meter.

Habang 6 centavos per cubic meter naman ang adjustment sa water bill ng mga consumer ng Maynilad.

Ibig sabihin, kung Manila Water customer ka, P5.21 kada buwan ang dagdag sa water bill kung ang konsumo ay 10 cubic meter pababa; P11.55 kada buwan kapag ang konsumo ay 20 cubic meter; at P23.53 kada buwan kung ang nagamit na tubig ay 30 cubic meter.

Mas mababa naman ang dagdag-singil ng Maynilad na aabot lamang sa 23 centavos kada buwan kung ang konsumo ay 10 cubic meter pababa; 86 centavos kada buwan kung may konsumong 20 cubic meter; at P1.75 kada buwan kapag 30 cubic meter ng tubig ang nakonsumo.

Ayon sa MWSS, ang pagtaas sa singil sa tubig ay bunsod ng Foreign Currency Differential Adjustment o FCDA ngayong quarter.

Ang FCDA ay isang mekanismo na nag-aadjust ng water rates, batay sa flactuation ng foreign exchange rates.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.