4 na katao, nasawi dahil sa bagyong Lando

By Chona Yu, Isa Avendaño-Umali October 18, 2015 - 11:35 PM

Photo by Chona Yu
Photo by Chona Yu

Hindi bababa sa apat na katao ang napaulat na nasawi, habang anim ang nawawala sa pagtama ng bagyong Lando sa bansa.

Dalawa sa namatay ay naitala sa Nueva Ecija, isa sa Aurora Province, at isa sa Quezon City.

Gayunman, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na sa naturang bilang, isa pa lamang ang kumpirmadong nasawi at ito ang biktimang nabagsakan ng puno sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Aaron Castillo, 14 anyos, taga Barangay Central.

Ayon naman kay Nueva Ecija Governor Aurelio Umali, ang dalawang casualties sa kanilang lalawigan ay hindi pa umano nareretrieve pero huling namataan sa Barangay Sapang Buho, Palayan City.

Sobrang lakas aniya ng agos ng tubog kaya hindi pa nakukuha ang mga bangkay.

Tiniyak naman ni Umali na tuloy-tuloy aniya ang search and rescue missions.

TAGS: bagyong lando casualties, NDRRMC, bagyong lando casualties, NDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.