Pag-imbestiga ng Senado sa pagpatay sa mga pari inayawan ni Sen. Sotto

By Jan Escosio June 15, 2018 - 04:43 AM

Ayaw ni Senate President Tito Sotto na sumawsaw pa ang Senado sa mga kaso ng pagpatay sa mga alagad ng simbahan.

Ayon kay Sotto, wala naman silang iimbestigahan at dapat hayaan na ang pambansang pulisya na rumesolba sa pagpatay sa tatlong pari sa loob ng anim na buwan.

Hirit pa nito, wala siyang maisip na batas na makukuha kung iimbestigahan nila ang mga insidente sa katuwiran na sapat na ang Revised Penal Code.

Dagdag pa nito na tila kinukulayan na ng politika ang isyu at dapat ay lumayo sa mga ganito ang Senado.

Naunang inihirit ni Senadora Risa Hontiveros sa pamamagitan ng isang resolusyon na maimbestigahan ng Senate Committee on Public Order ang pagpatay kina Father Richmond Nilo at Father Tito Paez sa Nueva Ecija, gayundin kay Father Mark Ventura sa Cagayan.

Para sa kanya, hindi maikukunsidera na nakaka-alarma ang mga insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.