Mapait sa panlasa ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga punong barangay sa bansa.
Aniya, sablay na polisiya na kung may mga mapapatay sa isang sektor ng lipunan at kailangan nang armasan ang bumubuo sa naturang sektor.
Paliwanag nito hindi naman uubra na kapag may pinatay na judge o prosecutor ay kailangan na silang armasan, gayundin sa mga mamamahayag.
Sinabi ni Drilon na may mahigit 42,000 punong barangay sa bansa at nakakatakot kung ang lahat ng mga ito ay aarmasan.
Giit ng senador, ang solusyon ay ang tama at maayos na pagpapatupad ng mga batas ng mga otoridad at palakasin ang criminal justice system sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES