Sen. Hontiveros hiniling na pirmahan ni Pangulong Duterte ang mental health bill

By Jan Escosio June 15, 2018 - 02:37 AM

Umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Risa Hontiveros na pirmahan para maging batas ang iniakda niyang Mental Health Bill.

Sinabi ni Hontiveros na layon ng panukalang batas na maisama ang mental health services sa mga programa na nakapaloob sa public health system ng bansa.

Giit nito, malaking tulong sa mga dumaranas ng depression at iba pang sakit sa pag-iisip ang panukala.

Noon pang May 2017 lumusot sa Senado ang panukala at ang bersyon naman sa Kamara ay naipasa noong nakaraang Nobyembre.

Binanggit ni Hontiveros na sa datos ng World Health Organization (WHO), higit sa 300 milyong katao sa buong mundo ang dumaranas ng depression.

Dito sa bansa, noong 2013 umabot sa pito sa ating mga kababayan ang nagpapakamatay araw-araw. Habang sa ulat ng Global School-Bases Student Health Survey of 2015, 17% ng mga high school students na may edad 12 hanggang 15 ang umamin na minsan na silang nagtangkang mag-suicide.

Sa kanyang panukala, sinabi pa ng senadora na mapapagbuti ang psychiatric health care facilities sa bansa at mapapagbuti din ang ratio ng mental health workers sa ating populasyon na sa ngayon ay dalawa para sa bawat 100,000 Pilipino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.