Ex-Senator Revilla humiling ng furlough sa Sandiganbayan
Hiniling ni dating Senador Bong Revilla na pansamantalang makalabas ng Philippine National Police (PNP) Detention Center sa Camp Crame para makapagpa-dental check up.
Base sa tatlong pahinang mosyon na isinumite ni Revilla sa 1st Division ng Sandiganbayan na payagan siyang sumailalim sa dental procedure sa June 18, 2018 sa Gan Advance Osseointegration Center sa Greenbelt, Makati City.
Sa mosyon ni Revilla, nakasaad na sasailalim siya sa oral prophylaxis at fluorine treatment.
Suportado naman ang mosyon ng dating senador ng medical certificate na inisyu ni Dr. Steve Mark Gan na may petsang May 31, 2018.
Noong March 23, 2017 pinayagan na si Revilla na sumailalim sa implant surgery at iba pang dental procedure.
Si Revilla ay nakakulong sa PNP Detention Center sa Camp Crame dahil sa kasong plunder at graft na may kinalaman sa PDAF scam noong siya ay senador pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.