COMELEC hindi na tatanggap ng late filers ng SOCE
Hindi na tatanggapin ng Commission on Elections (COMELEC) ang late filing ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kumandidato sa nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Nitong Miyerkules ang itinakdang deadline ng paghahain ng naturang dokumento.
Sa isang panayam kahapon, sinabi ni Commissioner Luie Guia na hindi natalakay sa en banc kung papayagan ang late filers kaya’t kasalukuyang pinagtitibay ang itinakdang deadline.
Samantala, sa hiwalay na pahayag sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na may mga pagkakataon na pinayagan ang late filers dahil may ibinabang resolusyon para rito.
Gayunman, sa ngayon ay walang resolusyong ibinaba para sa mga nahuli sa paghahain ng SOCE.
Dagdag pa ng opisyal, kahit na pumayag ang Comelec noon ay nagpatupad naman ng mga parusang administratibo sa mga late filers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.