Women’s volleyball national team ng Pilipinas para sa Asian Games kumpleto na
Nabuo ang pambato ng Pilipinas para sa women’s volleyball na maglalaro para sa 2018 Asian Games na magaganap sa Indonesia.
Si Aby Maraño ang napiling maging team captain ng national team. Makakasama niya sa koponan sina Mary Joy Baron, Mika Reyes, Dindin Santiago-Manabat, at Jaja Santiago.
Pasok din sa koponan sina Alyssa Valdez, Ces Molina, Cha Cruz-Behag, Jia Morado, Kim Fajardo, Dawn Macandili, at Kianna Dy.
Samantala, inanunsyo ng head coach ng national team na si Shaq Delos Santos na kasama sa koponan sina Rhea Dimaculangan at Denden Lazaro na kapwa mga reserves.
Karamihan sa naturang mga manlalaro ay middle blockers at outside spikers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.