Pulis-Marikina patay sa pamamaril sa Makati City

By Justinne Punsalang June 15, 2018 - 12:00 AM

Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang aktibong pulis sa labas ng NAPOLCOM Building sa Jupiter Street, Makati City.

Kinilala ang nasawing pulis na si PO2 Teejay Valdez na isang aktibong pulis-Marikina.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, dumalo sa pagdinig si Valdez sa National Police Commission (NAPOLCOM) kaugnay ng kasong administratibo laban sa kanya.

Mayroon kasing tatlong bilang ng grave misconduct na nakasampa kay Valdez noong 2016 nang siya ay naka-assign sa Eastwood Police Station.

Papasakay na ito sa kanyang kotse nang pagbabarilin ng isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket at sumbrero.

Tatlong beses na malapitang pinaputukan sa ulo mula sa likod si Valdez na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente. Sa kasalukuyan ay nangangalap sila ng CCTV footage sa lugar at mga nakasaksi upang makilala ang salarin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.