3 drug suspek arestado sa Taguig City

Arestado ang tatlo katao matapos maaktuhang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa Barangay Tuktukan sa Taguig City.

Nakilala ang naarestong mga suspek na sina Joriel Garcia, 31 taong gulang; Richard Espinoli, 36 na taong gulang; at Ramil Nuñez, 37 taong gulang, na pare-parehong residente sa nasabing barangay.

Ayon sa Taguig City Police, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa nagaganap na pot session sa bahay ni Espinoli.

Agad na nagtungo sa lugar ang mga pulis upang kumpirmahin ang report at doon nila naaktuhan ang tatlo sa kalagitnaan ng paggamit ng droga.

Narekober mula sa lugar ang tatlong plastic sachet ng shabu.

Mahaharap ang tatlong mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...