Mga residente ng Colorado pinalilikas dahil sa wildfire

By Justinne Punsalang June 15, 2018 - 12:00 AM

Pinalilikas ng National Forest Service ang mga residente ng halos 2,000 kabahayan dahil sa nagaganap na wildfire sa southwestern Colorado.

Sa tala ng naturang ahensya, 116 square kilometers na ang nasusunog, dahilan upang ipasara na ang San Juan National Forest na bahagi ng Four Corners Region.

Paliwanag ng mga otoridad, nakadagdag sa pagliliyab ang dry thunderstorms at malalakas na hangin sa lugar.

Samantala, sa kasalukuyan ay nakararanas ang Four Corners Region ng isang malawakang tagtuyot dahilan upang mahirapang apulahin ang wildfire.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.