Batanes nasa ilalim na ng signal number 1

By Isa Avendaño-Umali June 14, 2018 - 08:11 PM

Isa na ngayong ganap na tropical depression ang Low Pressure Area o LPA na namataan West-Northwest ng Batanes.

Sa weather bulletin ng PAGASA ngayong hapon, ang bagyo ay inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR ngayong gabi o bukas.

Papangalanan ito bilang Bagyong Ester.

Itinaas na ang signal number 1 sa Batanes.

Nasa yellow warning level naman ang lalawigan ng Zambales, habang inaasahan ang malakas na pag-ulan sa Mtero Manila, Bataan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Nueva Ecija, Rizal, Quezon, Tarlac at Bulacan sa susunod na tatlong oras.

Pinayuhan rin ng PAGASA ang mga nakatira sa mga low-lying areas sa nasabing mga lugar na manatiling naka-alerto para sa mga inaasahang baha at posibleng landslides.

TAGS: batanes, ester, Pagasa, Tropical storm, batanes, ester, Pagasa, Tropical storm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.