Peace talks sa mga komunista hindi na matutuloy ayon sa Malacañang

By Chona Yu June 14, 2018 - 06:12 PM

Inquirer file photo

Hindi na matutuloy ang scheduled na resumption ng peace talks sa June 28 sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jess Dureza na bunga ito ng back channel na pag-uusap ng dalawang grupo.

Nakukulangan din aniya si Pangulong Rodrigo Duterte sa resulta ng back channel na pag uusap.

Paliwanag ni Dureza, kailangan munang kunsultahin kung ano ang pulso ng taong bayan at iba pang sektor.

Sinabi ng kalihim na gaya ng ginawa sa Bangsamoro Basic Law, mag-iikot muna ang kanilang hanay para alamin ang damdamin ng taumbayan sa isyu.

Hindi naman matukoy ni Dureza kung kailan muling maipagpapatuloy ang peace talks.

Magugunitang ilang beses na ring nabalam ang usapang pangkapayapaan dahil sa hindi pagsunod ng komunistang grupo sa ilan sa mga naunang kasunduan na pinagtibay nila sa pamahalaan.

TAGS: CPP, dureza, ndfp, NPA, peace talks, CPP, dureza, ndfp, NPA, peace talks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.