Ito’y makaraang ipagpaliban ng Sandiganbayan 1st Division ang pagdinig ngayong araw.
Noong October, 2017 pa natapos ang presentasyon ng ebidensya ng prosekusyon at ngayong araw sana ang unang pagkakataon ng presentation of evidence ng Revilla camp.
May nakabinbin namang mosyon ang kampo ni Revilla na humihiling sa korte na atasan ang prosekusyon na i-identify ang testimonial at documentary evidence na magpapatunay na nagkamal ng ill-gotten wealth ang dating senador na nagkakahalaga ng P50 Million.
Ipinababasura ito ng proseksyon sa katwirang rehash na lamang ang mosyon ng kampo ni Revilla.
Samantala, muling humirit si Revilla na makalabas ng PNP Detention Center para makapagpa-checkup ng ngipin.
Sa mosyon, sa June 18 ang dental check-up sa isang dental clinic sa Greenbelt, Makati City.