Mayor ng Masinloc, Zambales nagsumbong kay Duterte sa pambu-bully ng China

By Chona Yu June 14, 2018 - 04:20 PM

Photo: Chona Yu

Humihirit si Masinloc, Zambales Mayor Arsenia Lim kay Pangulong Rodrigo Dutertena huwag hayaang mabully ng Chinse Coast Guard ang mga Pinoy na mangingisda na pumapalaot sa Scarborough Shoal.

Sa panayam sa Malacañang, sinabi ni Lim na dapat ding hayaan ang mga Filipino na mangingisda na makasilong sa lagoon kapag nakararanas ng malakas na hangin.

Nagtungo si Lim sa Malacañang para personal na ipaabot sa pangulo ang kalagayan ng mga mangingisdang Pinoy.

“Ito po ay national issue at hindi naman natin kayang makipaglaban sa isang bansang malaki at makapangyarihan at ‘yan ay ginawa ng diyos para sa lahat”, Pahayag ni Lima.

Dagdag pa ng opisyal, “ang karagatan ay ginawa ng ating mahal na panginoon at ang karapatang mabuhay at mapayapa angg aking mga kababayan, ‘yun po ang hinihingi namin sa mahal na presidente”.

Nanindigan pa si Lim na pag-aari ng Pilipinas ang Scarborough Shoal kung kaya hindi na kailangan na magpalaam sa China para lamang makapangisda.

Naniningil rin umano ng toll fee ang mga Chinese authorities sa mga mangingisdang pumupunta sa Bajo de Masinloc.

Kasabay nito, hinimok ni Lim sa mga mangingisda a Masinloc na magsabi ng totoo kaugnay sa kanilang mga karanasan sa Chinese Coast Guard.

TAGS: chinese coast guard, lim, masinloc, Mayor, scarborough shoal, zambales, chinese coast guard, lim, masinloc, Mayor, scarborough shoal, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.