Kotong cop inaresto ng mga kapwa pulis sa Pasig City
Inaresto ng Counter Intelligence Task Force ng Philippine National Police ang isang pulis na sangkot sa pangongotong.
Kinilala ni Chief Inspector Jewel Nicanor ng CITF ang suspek na si SPO1 Adonis Corpuz na nakatalaga sa Traffic Management Unit ng Eastern Police Distrit.
Alas-8:30 ng umaga kanina, nadakip si Corpuz ng CITF katuwang ang Special Operations Unit at Intelligence Group sa 7/11 Convenience Store, Discovery Building, Life Homes, Rosario, Pasig.
Nag-ugat ang entrapment operation sa sumbong ng isang dispatcher na nanghihingi umano si Corpuz ng P1,000 tuwing a-kinse at a-trenta ng buwan bilang protection money sa mga UV Express Driver sa Lucky Gold Terminal sa Rosario, Pasig.
Sapilitan daw ang pangongotong ng pulis dahil at tinatakot nito ang mga PUV drivers na maaresto sila kapag hindi nagbayayad.
Bukod dito, nanghihingi rin umano ng P500 ang pulis sa mga habal-habal driver sa lugar.
Sa entrapment operation, nahuli sa akto na tumanggap si Corpuz ng P1,000 mula sa complainant.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng CITF sa Camp Crame ang suspek at mahabarap sa kasong kriminal at administratibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.