Sotto may solusyon para maiwasan ang deadlock sa pag-amyenda ng Saligang Batas
May solusyon na si Senate President Tito Sorro sa deadlock sa paraan ng botohan sa sa panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas ng 1987.
Ipinanukala ni Sotto ang pagkakaroon ng ng “hybrid” na Constitutional Body na boboto para maamyendahan ang Konstitusyon.
Bubuuin ito ng 12 senador, 12 miyembro ng Mababang Kapulungan, 12 nominees ng Pangulo at 12 nominees ng civil society.
Nais kasi ng Kamara na magkaroon ng constituent assembly at magkasamang boboto ang dalawang kapulungan pero gusto naman ng Senado na hiwalay bumoto ang Kongreso.
Una nang ipinahayag ni dating Chief Justice Reynato Puno na suportado niya ang isang “hybrid” na Constitutional Convention (Con-Con).
Aniya, bubuin kasi nito ng mga kinatawang pinili ng publiko at mga eksperto mula sa iba’t ibang sangay na walang self-interest.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.